Sunday, June 14, 2009

Sampung Pisong Adobong Mani at Ilang Boteng Beer


Bawal magkasakit.

Sabihin mo naman, isang kalaspagan na ang pag-gamit ng ad tag na to..at ano ba ang kinalaman nito sa blog site ng mga soltera't soltero?

Aba syempre, para ipaalala na sa lahat ng estado sa buhay, tayo ang pinakamadalas masaktan! Tayo ang pinakamadalas madaya at pinakamadalas ding manakit.

Pano bang hindi masaktan? May mga natatagong agimat ba na kelangan laban sa ganitong sakit? Tipong mga batong pinupulot pa sa tuktok ng Bundok Banahaw twing Semana Santa...may mga ritwal ba na kelangang gawin? Gaya kunwari ng pagpatay ng isang manok twing madaling araw ng November 1, para lang maiwasan yung sobrang tinding depresyong dala ng mga taong walang habas kung manakit.

Pero pano nga ba kung wala? Na kahit siguro sang lupalop mo hanapin ang mga bagay na to, puti na lang mga mata mo ang kita di mo pa rin mahanap...Siguro mali ang tanong ko. Mas magandang tanong siguro ang, " ano ang mga pwedeng makatulong kapag nasaktan ka na? "

May mga trade secrets ka ba? Meron akong ilang nakuha mula sa mga taong nakausap ko na. nakasama, naging kaibigan, naiyakan at nakainuman...Basahin mo baka makatulong.

1. Tulog...sabi ng kaibigan kong bading (na hanggang ngayon ay birhen pero laging broken-hearted), mas gusto niyang managinip kesa sa maisip ang mga kaletsehang sakit ng kalooban niya. Pero sa tingin ko pwede lang tong gumana sa mga taong masandal tulog. Para sa mga insomniac na kagaya ko, isip tayo ng iba...

2. Alak, alak, at alak pa... pwede rin kung may kasamang crispy pata...galing naman to sa kaibigan kong lasinggera na di tumitigil hanggat hindi lango ang buong kamunduhan. Pero paalala sa karamihan, wag gawing mag-isa dahil mas lalong nakakaloka!

3. Isulat ang mga moments of brightness mo...eto ay kung kaya mong ihiwalay ang normal na takbo ng utak mo sa nga biglaang aparisyon ng katalinuhan..hehe

4. Basain ang isang kumot sa pag-iyak...ok lang to kung isang araw mo lang gagawin...nakakapanget na pag sobra na sa isa.

5. Kumain ng kumain...bad bad bad bad idea...need I tell why?

6. Guluhin ang kaibigan at ilabas lahat ng sama ng loob...kelangan mo ng mga kakampi sa ganitong mga oras...wag abusuhin, they can only tolerate so much...kawawa naman.

7. Make-up!...nothing can make one's day than a perfect red lipstick...matakot ka kung sa kaibigan mong lalaki narinig ang mga linyang to!

8. Sandamakmak na yosi...walang kasing payapa ang pakiramdam ng isang taong mag-isang humihithit ng yosi habang nakatingin sa kawalan...BABALA: tumigil kapag dinalahit na ng ubo!

9. Tumingin sa malayo, buksan ang radyo at pakinggan ng walang hinto ang theme-song niyo, gawin to ng mga hanggang isang linggo..naka-continuous setting sa mp3 at nakasalpak sa cd player ng auto...mapapagod ka rin at pagkatapos nito, betchalog ko 'te, manhid na ang utak mo sa kahit na anong alaala ng ex mo!

10. Karaoke...Videoke full volume...hindi pwedeng ikaw lang ang miserable, idamay ang kapitbahay!

11. Haircut...minsan mas lalong nakakadepress ang resulta.

12. Out of town gimik...beaches...hiking...etc...ginawa to at hanggang ngayon ay ginagawa pa rin ng kaibigan kong doktor (on-going depression lampas 2 taon na)...hindi para sa mga taong kokonti ang pera.

Alam kong marami pang iba...bakit di mo isulat nang mapag-usapan natin...10 pisong adobong mani at beer lang ayos na! =)

No comments:

Post a Comment