mahirap maging single. bakit? ewan.
hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin kung bakit mahirap mag-isa. sa palagay ko, hinulma kasi ng sistema
ang mga paniniwala natin na hindi okay kung soltera ka.BWISIT!!! Ito yung mga panahon na wish ko lang totoo
yung Matrix at lahat tayo magigising sa katotohanang may mas totoong daigdig kaysa dito. isang mundong hindi
kakagat sa iyong puwet kung may makitang nakasukbit na "single" sa iyong leeg.
hindi ako naniniwala sa mga taong nagsasabing, "okay lang maging single. masarap yan!" dahil: a)sinasabi lang
nila ito out of awa; b) hindi pa nila talaga alam ang kahulugan ng pagiging isang single o; c) nasa relasyon
sila na hindi masaya o maganda kaya naiinggit sila sa'yo... kung alam lang nila.
buti na lang, ma-pride akong tao. kahit single ako at kahit ako na lang ang mag-isang single sa mundo, idedeny
ko pa rin na malungkot mag-isa. sa mga panahong iyon, naka-isip ako ng mga paraan para ma-survive ko ang
lungkot ng pag-iisa. here are my do's and dont's:
1) DO: live by the musings of coco chanel. one of my favorites: The most courageous act is still to think for
yourself. Aloud.
O kahit hindi na si Coco Chanel basta someone accomplished o naging self-made by himself.
2) DO: wear antifara. bulagin mo na lang ang mga mata mo kesa mainggit ka sa kakatingin sa mga couples. pwede
ka na ring magpahayag ng pagiging misteryosa. kunwari misteryosa kahit kabaliktaran naman.
3) DO: yosi at alkohol. yung marami ah. sila muna ang makakapiling mo hanggang dumating ang panahong bawal na.
4) DO/ DON'T: exaggerate. hindi yung kris aquino way ha! utang na loob! just find something about yourself that
you can turn into something hilarious.
5) DO: pumunta sa mga lugar na magkakaroon ng moment to shine (e.g. clubs, videoke bars).
6) DO: mag-blog and/or visit other blogs.
7) DO: have a sense of humor. i just think this is the best accessory.
8) DO: dress as you please. yaman din lamang na wala kang kino-considerang someone, aba suotin na ang mga halay
dress na kay tagal nang hindi nailalabas.
9) DO: magbilang ng mga naglalakad na couples na mismatch. :-)
10) DO: SHOP!!! Help the economy and in trun, help yourself.
11) DON'T: Maging desperado/a.
Monday, June 15, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment