Sunday, July 19, 2009

Isang Resolusyon

“maaaring hindi na siya mangyare sa akin
anung gagawin ko? nakakatakot.
bakit kaya may inimbento pang ganun?
wala na bang lunas o ginhawa man lang?”


marami akong tanung pero hindi ko na gustong hintayin kung may kasagutan pa sa kanilang lahat.sa ngayon, mas gusto ko nang isipin ang mga bagay na makakabuti sa akin lalo na sa hinaharap. problema lang talaga kapag nalilingat ako. naiisip ko ito at pag laon, gagawa ako ng mga bagay na ikakasakit lang ng kalooban ko.

i know we are trying to get by in this life where events or experiences happen to you randomly. we are all on the receiving end trying to make sense out of it. Still most of the times, we are lost in the confusion and find it hard to accept why these things happen to us. Kung meron lang akong paraan to shorthand this and move on to the happy ending, I would. Okay, ang unfair ko. I know puro sarap na lang gusto ko. Pero kung kilala mo ako, siguro hindi mo sasabihin ito sa akin. Marami na kasi akong pinagdaanan para sa murang edad ko. I never felt like my age.

Siguro naghahanap lang ako ng silver lining. Mahirap 'yon sa kahit anung panahon. Masaklap kasi talaga ang buhay. Lahat ng daan may nakabudbod na thumbtacks at kung ang sapatos mo walang makapal na swelas, aba'y goodluck. Ako? Ang swelas ko alkohol. Mali yun period pero mas gusto ko na yun kaysa maglakad sa mundo na conflicted, hirap. I am too concious of everything, as my friends say. Marami akong binibigay na meaning sa lahat ng bagay. I will go on to even say na kaya ako siguro maraming alam sa buhay kahit hindi pa sila nangyayari sa akin gaya ng mga relationships dahil masyadong gising ang diwa ko. Pwera na lang kapag lasing ako. Makes perfect sense, right?

Gayunpaman (Wow!), gusto ko pang matuto kung paano mabuhay. But as far as answering whether I end up with someone or not, suko na ako. I will avoid dwelling on that one. Instead, I want to focus on my other plans like having kids and living a simple fulfilling life. Naiisip ko kasi siguro ang love at relationships bilang silver linings sa buhay. Mali ba ‘yun? I guess hindi nga dapat ganun ang expectations ko. Masyado kasi akong nawili sa mga feel-good comedies. MALI!!! Masyado akong umaasa na sa bawat taong magbibigay sa akin ng extra attention, may hinuhulgan na silang emotional investment sa akin. MALI!!! Hindi naman ako kagaya ng isa kong kakilala na tipong maglalabas na ng traje de boda sa first date. Hindi ako ganun pero minsan nararamdaman ko baka magkaganun na ako. Kaya bago pa mangyare ‘yon, magbabago na ako.

Pwedeng hindi na mangyare sa akin yung romantic relationship na inaasam-asam ko.

Pwedeng forever na talaga akong magsolo sa buhay.

Pwedeng hindi na rin ako makaget over sa fact na walang ginawa ang Diyos para sa akin.

Pwedeng lahat ng ito ay magdulot sa akin ng pagkabaliw o di matatawarang depresyon.

Sa lahat ng iyon, keber na. Paghahandaan ko na lang kung papaano ako makakatayo ng mag-isa suot ang sapatos na may makapal na swelas (na hindi gawa sa alcohol).

No comments:

Post a Comment